Payslip ng pangkat kontra-droga ng PNP, sisilipin

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2017 07:30 PM

Kasama ang payslip sa mga dokumentong kailangan ipakita ng mga nais na maging miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Sinabi ni PNP-DEG spokesman Enrico Rigor na dadaan sa matinding pagsisiyasat ang lahat ng mga pulis na magiging miyembro ng grupo.

Kailangan masilip muna ang payslip ng mga pulis para matiyak na walang magiging temptasyon sa mga isasagawang operasyon laban sa iligal na droga.

Bukod sa payslip, sisilipin din ang mga assignment background at ang mga naging commanders ng mga aplikanteng pulis.