2 lalaki na humihithit sa loob ng paaralan, arestado

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2017 08:12 AM

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan - Arestado ang 2 lalaking menor de edad matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga sa loob ng isang elementary school, Huwebes ng gabi.

Unang inakala ng mga residente na magnanakaw ang 4 na binatilyo na tumatambay sa isang paaralan pagsapit ng gabi.

Ngunit ayon sa mga tanod, nadiskobre nila sa lumang palikuran na pinagtatambayan ng mga lalaki ang aluminum foil, piraso ng plastic sachet at mga improvised tooter, na karaniwang ginagamit ng mga adik.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang isang 16 at isang 17-anyos na lalaki subalit nakatakas ang dalawa pang mga kasamahan nito.

Itinanggi ng ina ng isa sa mga suspek na may alam siya sa mga alegasyon laban sa kanyang anak.

Isasailalim sa drug testing ang mga kabataan na nasa pangangala ng mga pulis. Ie-endorso sila sa Department of Social Welfare and Development.