TFC News

Mga Pilipinong iskolar sa South Korea, binigyang pugay

Joeffrey Maddatu Calimag  | TFC News South Korea 

Posted at Mar 09 2023 06:29 PM

Watch more News on iWantTFC

SOUTH KOREA - Ginawaran ng pagkilala sa Hayo at Gilas program ang higit limampung Pinoy na nagtapos ng pag-aaral pati yung may mga natatanging naiambag sa kanilang larangan sa South Korea.   

Sumisimbolo ang Hayo at Gilas ng bagong simula at pagsubok na kailangan lagpasan ng bagong termino ng Pinoy Iskolars sa Korea 2023,” sabi ni Kenneth Lagamayo, presidente ng samahang Pinoy Iskolars sa Korea.   

Ayon sa Pinoy scholar na si Jessa Flores, nabago ang pananaw niya sa buhay  ngayong nakapagtapos siya ng  master’s degree sa South Korea ng kursong Master of Science in Medicine Major in Physiology:   

“We've been torn into pieces but we build ourselves from those pieces to be stronger. And every day was so much of challenge and at the same time every day is brand new adventure.”   

Hinimok ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga Pinoy scholar na maglingkod sa Pilipinas.   

Inaasahan po namin ang natutunan nila dito ang mga bagong perspektibo at mga nakamit po nilang achievements eh makakatulong po sa progreso ng ating bansa sa iba’t-ibang larangan mula sa siyensya, sa fisheries, sa engineering, at sa kultura, sa arts po at inaasahan po namin yung galing at talino nila ay makakatulong sa ating bansa,” ani Philippine Embassy Ambassador Ma. Theresa Dizon De Vega.   

Tiwala naman si Vice Consul Atty. Jilliane De Dumo-Cornista, na malayo pa ang maaabot ng mga Pinoy scholar:   

I would like to also propose and strongly advocate for you to take your learning a step further and become established and recognized experts in your respected fields.   

Para naman kay Dr. Angelita Cruz, professor sa Keimyung University, marami pang oportunidad para sa mga Pinoy scholar:   

Maging bukas sa pagbabago at pagkatuto, maging bukasumangkop sa sitwasyon, makinig na may pagsusuri, at makipagpagkapwa-tao. Kaya mga Pinoy iskolars sa Korea, laging maglakad ng tama upang hindi madapa. 

Katatagan at pagiging bukas sa mga pagbabago ang ilan sa mahalagang puhunan ng mga Pinoy scholar para mayakap ang tagumpay sa kanilang pag-aaral sa ibang bansa hanggang sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. 

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.