MAYNILA — Apat na kababaihan ang naaresto matapos umanong nakawan ang isang Chinese international student sa isang supermarket sa Taguig City.
Kuwento ng biktima, napansin niya ang grupo na pinapaligiran siya habanng namimili.
"I just go to the frozen area to get the dumpling then somebody blocked my way the girl just blocked my way and my right side," aniya.
"They just pushed me like that and behind my body. I cannot go back means I cannot go hide I cannot turn back. When I went to the cashier to pay so when I open my bag I found my phones were missing, two of them," aniya.
Humingi siya ng saklolo sa guwardiya sa grocery kaya nasakote ang mga suspek.
"Natunugan niya yung mga suspek na kumuha ng gamit niya at nakapagbigay siya sa amin agad ng alarma na nakita niya kung sino yung possibleng kumuha ng gamit niya kaya agad kami rumesponde para i-hold itong mga suspek para matukoy namin kung sila ba talaga kumuha ng mga gamit at hinakayat naming sila na sumama sa presinto para maimbestighan kung sila ba talaga kumuha ng mga gamit," ayon sa security guard na si John Manuel Allego.
Pagdating sa presinto, nakita ang maraming damit, sombrero, at ID na may iba't ibang pangalan.
Ayon sa pulisya, modus ng grupo na magpalit ng paiba-ibang damit para hindi makilala.
Sa tulong ng CCTV ay natugis ang mga suspek.
"Itong mga suspek na ito may profile na din tayo dati at naidentify na tumititira sila sa area ng BGC ngayon yung ating mga marshal sa ating area nakita nga na ginigitgit nila itong Chinese national kinutuban na sila kung itong mga suspek na ito ay talagang di pala gagawa ng mabuti," ayon sa Fort Bonifactio Police Sub-station chief Judge Rowe Donato.
Nahaharap sa kasong theft ang dalawa sa suspek habang hinahanap pa ng mga pulis ang isa pang miyembro ng grupo na umano'y bumitbit sa dalawang cellphone ng biktima.
-- Ulat ni Champ De Lunas, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.