PatrolPH

Senior citizen na health workers sinimulan nang bakunahan sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 01:06 PM | Updated as of Mar 09 2021 01:48 PM

Senior citizen na health workers sinimulan nang bakunahan sa Maynila 1
Senior healthcare workers get inoculated with the AstraZeneca Covid-19 vaccine at the Ospital ng Maynila on March 09, 2021.
Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA – Sinimulan nang bakunahan kontra COVID-19 ngayong Lunes ang ilang senior citizen na health workers sa Maynila.

Ayon kay Dr. Arnold Pangan ng Manila Health Department, 260 senior citizens na medical worker ang inaasahang tuturukan ngayong Lunes gamit ang COVID-19 vaccine ng British-Swedish pharmaceutical company na AstraZeneca.

Bago mabakunahan, dadaan muna ang mga senior health worker sa screening para tingnan ang kanilang vital signs, blood pressure, at body temperature.

Sasalang din sila sa screening para alamin kung mayroon silang pre-existing conditions tulad ng diabetes at allergies.

Sa Aurora Health Center District Office sa Tondo, bukod sa mga nagpa-pre-register, tumatanggap din sila ng walk-in, lalo’t 1,000 senior citizen health care workers ang target mabakunahan ngayong Lunes.

Samantala, sa Ospital ng Maynila, 200 health workers na ang nabakunahan mula noong nakaraang linggo, ayon sa director ng ospital na si Dr. Karl Oliver Laqui.

Dagdag-proteksiyon umano ito sa mga manggagawa ng ospital lalo’t naoobserbahan nila ang pagtaas ng mga naa-admit na COVID-19 patients sa ospital mula noong Pebrero.

– Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.