'Most wanted' na rapist umano, tiklo sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 01:49 AM

Naaresto ng mga pulis ang "most wanted person" ng Himamaylan, Negros Occidental matapos ang isang operasyon sa Magalona City nitong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Romeo Tabero na dinakip sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape. Suspek si Tabero sa kaso ng panggagahasa noong 2018.

Higit 2 taong nagtago ang suspek.

Nakakulong na ang suspek para harapin ang kasong isinampa laban sa kaniya.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.