#WalangPasok: Martes, Marso 10, 2020 dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2020 04:09 PM | Updated as of Mar 10 2020 03:59 AM

MAYNILA (UPDATE) — Ilang lokal na pamahalaan ang nagkansela ng pasok sa mga paaralan sa kanilang mga lugar sa Martes, Marso 10, bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

LAHAT NG ANTAS

  • METRO MANILA (hanggang Marso 14)
    - City of Manila (hanggang Marso 15)
  • CAVITE (buong lalawigan, hanggang Marso 14)
  • BULACAN (buong lalawigan)
  • RIZAL 
    - Cainta
    - Rodriguez
    - San Mateo
    - Montalban
  •  PANGASINAN
    - Bugallon
    - Lingayen

Nilinaw naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na mag-aaral ang mga estudyante sa kanilang mga bahay habang walang pasok sa mga paaralan.

Tutulong din ang pulisya at mga lokal na opisyal para maipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon, ayon kay Duterte.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 24 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Nagdeklara na rin ng gobyerno ng state of public health emergency bilang hakbang laban sa pagkalat ng sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.