PatrolPH

P30-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2019 05:05 AM

CEBU CITY - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City Biyernes ng gabi.

Nahuli rin ng mga tauhan ng Mambaling Police Station ang isang lalaki na siyang target ng operasyon.

Base sa imbestigasyon, nabilhan ng isang sachet ng shabu ang suspek. Nang inspeksiyonin ang dalang bag nito, nakita ang iba pang pakete ng shabu na may kabuuang halaga ng P30 milyon.

Ayon kay Duljo-Fatima Barangay Councilor Milo Arenas, wala sa listahan sa Barangay Anti-Drug Abuse Council ang suspek.

"Posibleng bago ito sa drugs," aniya.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang source ng droga ng suspek. Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.