PatrolPH

2 patay sa buy-bust sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2019 05:06 AM

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ang isang suspek na alyas Tsekwa habang wala pang pagkakakilanlan ang isang napatay.

Ayon sa paunang ulat ng San Jose City Police Station, isinagawa ang operasyon sa Barangay Abar 1st laban kay Tsekwa.

Aarestuhin na sana ang suspek matapos ang transaksiyon pero bumunot umano ito ng baril at pinaputukan ang operatiba. 

Napilitan umano ang mga pulis na paputukan ang mga suspek na dahilan sa kanilang pagkamatay.

Dagdag ng pulisya, nago-operate umano ang mga suspek sa Central Luzon at National Capital Region. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.