3 kaso ng tigdas, mino-monitor sa Negros Occidental

Mitch Miranda Lipa, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 11:01 AM | Updated as of Mar 09 2018 11:03 AM

KABANKALAN CITY - Tatlong hinihinalang kaso ng tigdas ang binabantayan ngayon ng mga kawani ng Negros Occidental Health Office dahil sa pangamba na kumalat ang sakit dito sa probinsya.

Ang mga mino-monitor na pasyente ay mga taga-Barangay Tagucon, isang lugar na malapit sa bayan ng Mabinay sa Negros Oriental kung saan nagdeklara na ng measles outbreak noong nakaraang linggo.

Nagsagawa na ng throat swabbing sa mga pasyente upang agad mapadala at masuri sa Research Institute for Tropical Medicine, ani Dr. Ernell Tumimbang, Negros Occidental provincial health officer.

Magsasagawa na rin ang mga opisyal ng pagbabakuna kontra tigdas sa mga barangay na malapit sa Negros Oriental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.