Bangkay ng babae narekober sa Porac

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2017 05:59 PM

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Barangay Pulong Santol sa Porac, Pampanga Huwebes ng umaga.

Nakabalot ng packaging tape ang ulo at nakatali ang mga paa ng babae na maaring si Rosita Villegas base sa ID na natagpuan sa bulsa ng biktima, sabi ng mga imbestigador.

Hinihinalang sa lugar na iyon na din pinatay ang biktima dahil sa natagpuang basyo ng kalibre 45 baril malapit sa bangkay.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang suspek at ang posibleng motibo sa pagpatay