Isang lalaki ang namatay sa hostage-taking incident sa Antipolo City nitong Martes, ayon sa pulisya.
Ayon sa Antipolo police, napatay ng suspek ang biktima na kaniyang step-brother dahil hindi umano nito nakukuha ang mga padala sa kaniya ng kamag-anak mula sa ibang bansa.
Nasagip naman ang lola at batang nasa loob ng bahay.
Pero nasugatan sa pangyayari ang isang pulis matapos makipagbuno sa suspek nang tangka itong hulihin ng mga awtoridad.
Mahaharap sa kasong homicide at physical injuries ang suspek, na aminado sa nagawang krimen.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.