PatrolPH

32 bahay natupok, 39 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2022 11:36 PM

Watch more News on iWantTFC
Kuha ng BFP-Iligan

Matapos makaranas ng matinding baha ang Iligan City, isang sunog naman ang nagdulot ng sakit ng ulo sa dose-dosenang pamilya Martes.

Ayon sa city Bureau of Fire Protection, 32 bahay ang natupok sa Purok 11 sa Barangay Saray, kung saan 39 na pamilya ang nawalan ng tahanan.

Matapos maapula ang apoy, isinalba ng mga residente ang natitirang yero. Wala na silang ibang nakuhang gamit. 

Pansamantalang nakisilong ang mga nasunugan sa karatig na gym na nagsilbing evacuation center ng barangay. 

Nag-abot ng pagkain at mga damit ang ilang sibilyan at lokal na mga kandidato sa mga naapektuhan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.—Ulat ni Roxanne Arevalo 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.