Tricycle driver patay matapos mabangga ang police mobile sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2021 11:46 PM

CAUAYAN CITY, Isabela— Patay ang isang tricycle driver matapos nitong mabangga ang isang police mobile sa national highway ng Barangay District 1 sa Cauayan City, Isabela pasado alas-dos ng hapon nitong Lunes.

Kinilala ang nasawi na si June Dancel, 23 anyos at residente ng Barangay San Fermin.

Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police, parehong binabaybay ng dalawang behikulo ang hilagang direksyon.

Nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay napahinto umano ang sasakyan na pag-aari ng Roxas Police dahil sa trapiko, pero nabangga ang likod nito ng tricycle.

Naisugod sa pagamutan ang tricycle driver na nagtamo ng malalang pinsala sa katawan, pero idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor. 

Dinala sa istasyon ang driver ng police mobile gayundin ang mga sangkot na sasakyan para sa imbestigasyon. 

- ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.