Nagpapakilalang doktor na nag-aalok ng trabaho timbog sa Cotabato City

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2021 07:04 PM

COTABATO CITY — Arestado sa entrapment operation ng Cotabato City police noong Sabado ang isang lalaking nagpapanggap umano na doktor at naniningil ng libo-libo sa mga residenteng nais ng trabaho.

Ayon kay Police Capt. Rustom Pastolero, pinangangakuan ng nagpapanggap na doktor ang ilang residente ng Cotabato City na makakapasok sa medical team ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa pulisya, 30 tao na ang nagreklamo laban sa suspek matapos hingan ng tig-P5,000 kada isa.

Residente ng Barangay Pag-asa, Kalamansig, Sultan Kudarat ang suspek, sabi ng mga pulis.

Nakuha sa kanya ang mga pekeng ID.

Nakatakda itong sampahan ng kasong estafa o swindling.

—Ulat ni Lerio Bompat 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.