2 miyembro ng CAFGU patay sa pamamaril sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2021 09:10 PM

Dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit ang patay matapos pagbabarilin sa Barangay Guiong sa Sumisip, Basilan, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Almirin Pantao at Suatan Gulinda.

Ayon sa report ng pulisya, papunta ang mga biktima sa kasal ng kanilang kamag-anak nang pagbabarilin sila.

Itinuturo ng awtoridad ang Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Pasil Bayali na siyang responsable sa pamamaril sa dalawang CAFGU.

Matapos ang pamamaril, agad na pumunta sa lugar ang asawa ng isa sa mga namatay.

Hinarangan siya ng isa sa mga salarin at kinuha ang kaniyang mga alahas. Pero hindi naman siya sinaktan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari. 

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.