Higit P20-M halaga ng marijuana, nasabat sa checkpoint sa Cordillera

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2020 06:29 PM

BAGUIO CITY - Mahigit P20 milyong halaga ng marijuana ang nasabat sa dalawang checkpoint sa Bontoc, Mountain Province at Buscalan, Kalinga Sabado ng gabi.

Nasa P19.38 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa isang checkpoint sa Bontoc.

Arestado ang 3 lalaki at 1 babaeng may kasamang bata. Bukod sa mahigit 100 marijuana bricks, nakuha rin sa kanila ang isang baril at mga bala.

Sa Buscalan naman, 2 lalaki at 1 babae na may dalang 27 marijuana bricks ang nahuli sa checkpoint.

Nagkakahalaga ng P3 milyon ang nasabat na marijuana sa mga suspek na mula Angeles City, Pampanga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.