#WalangPasok: Lunes, Marso 9, 2020 dahil sa novel coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2020 03:59 PM | Updated as of Mar 08 2020 10:04 PM

MAYNILA (UPDATE)—Walang pasok sa mga lugar na ito sa Lunes, Marso 9 bilang pag-iingat laban sa novel coronavirus (COVID-19).

LAHAT NG ANTAS

  • METRO MANILA
    - San Juan City
    - Marikina City (hanggang Marso 11)
    - Navotas City
    - Pasay City (hanggang Marso 10)
  • RIZAL
    - Cainta (hanggang Marso 10)
    - Taytay 

Una nang kinumpirma ng health department ang 6 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kabilang ang isang insidente ng local transmission ng naturang sakit.

Sa kabila nito, hindi inirerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagkakansela ng mga klase dahil wala pang "community transmission" kung saan hindi na kayang tukuyin ang pinagmulan ng mga kaso ng COVID-19. 

I-refresh ang page na ito para sa updates. 

Para naman sa iba pang balita ukol sa COVID-19, bisitahin ang landing page na ito