PatrolPH

3 arestado sa anti-drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2019 03:42 AM | Updated as of May 29 2019 03:50 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Timbog ang 3 katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City sa magdamag.

Sa isang apartelle sa Cubao, dinampot ng mga pulis ang isang babae nang mag-abot ito ng shabu sa poseur buyer.

Narekober sa kaniyang kuwarto ang mahigit 20 sachet ng umano'y shabu.

Nahuli rin ang kaniyang kinakasama sa kalapit na apartelle sa hiwalay na operasyon. Nakuhanan ang lalaki ng halos 30 sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, arestado sa Barangay Pinagkaisahan ang isang lalaki na nagbebenta umano ng marijuana sa mga estudyante.

Nakuha sa suspek ang nasa 250 gramo ng marijuana na may halagang P30,000.

Ayon kay Police Maj. Ferdinand Duren ng Kamuning Police Station, online umano nakikipagtransaksiyon ang suspek sa kaniyang mga parokyano.

Mahaharap ang mga hinuli sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat nina Jervis Manahan at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.