Trak na may kargang basyo ng softdrinks, tumagilid

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 07:10 PM | Updated as of Nov 08 2018 03:17 PM

Nagkalat ang mga basyo ng softdrinks sa kalsada matapos aksidenteng mawalan ng preno ang trak na may karga nito at biglang tumagilid, Marso 8, 2018, sa Davao City. Claire Cornelio, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Tumagilid ang isang trak na may kargang basyo ng softdrinks sa Buhangin-Cabantian Road dito sa siyudad, Huwebes ng umaga.

Ayon sa driver ng trak na si Rico Jimenez, 42, biglang nawalan ng preno ang sasakyan habang pababa mula sa isang subdivision.

Tumilapon ang sakay nitong mga basyo ng softdrinks nang tumagilid ang trak.

Ayon sa Buhangin Police, ito na ang pangatlong beses na may naaksidente sa lugar kaya paalala nila sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho.

Minadali na lang ang pagkuha sa mga nabasag na bote sa kalsada upang di magdulot ng trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.