Soft drinks na may alak, ilulunsad ng Coca-Cola sa Japan

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 06:44 PM

Sa kauna-unahang pagkakataon, ilulunsad ng Coca-Cola ang kanilang soft drinks na may alak sa Japan.

Magiging parte ito ng lumalagong kategorya ng inumin sa Japan na tinatawag na "Chu-Hi," ayon kay Jorge Garduno, presidente ng Coca-Cola Japan.

Aniya, ang bagong produkto ay nagawa sa pamamagitan ng distilled beverage na tinatawag na shochu, sparkling water, at mga pampalasa.

May iba't-ibang flavor ang Chu-Hi gaya ng grape, strawberry, kiwi, at white peace. 

Kadalasan ay nasa pagitan ng 3 at 9 porsiyento ang alkohol ng mga Chu-Hi. Sikat ito sa mga bata at babaeng konsumer.

Ngunit ayon kay Garduno, ang paglulunsad ng softdrinks na may alak sa Japan ay hindi nangangahulugan na gagawin din nila ito sa ibang bansa. Paliwanag niya, kakaiba at espesyal ang kultura sa nasabing bansa.

Bagama't kauna-unahan sa 125 taon ng kumpanya ang softdrinks na may alak, matatandaang sinubukan ng Coca-Cola na pumasok sa nasabing negosyo noong 1977 nang bilhin nila ang Taylor Wines of New York at ilunsad ang Wine Spectrum.

Ngunit matapos ang anim na taon, binenta ng kumpanya ang Spectrum.

--Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.