Shabu sa Bibliya: Lalaki, arestado sa buy-bust sa Negros Occidental

Romeo Subaldo, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 08:35 PM

VICTORIAS CITY - Arestado ang isang 51 anyos na lalaki sa isang buy-bust operation dito sa siyudad Miyerkoles.

Nakuha ng pulisya ang apat sa sachet ng hinihinalang shabu mula kay Jose Ansuyon. Dalawa sa apat na sachet ang nakitang nakatago sa loob ng isang Bibliya.

Ikinagulat ng mga pulis nang makita ang dalawang sachet ng shabu na nakaipit sa banal na aklat.

"We were having a hard time looking for the items, we never expected that they will [hide] them inside a Bible. Who would expect to see shabu inside a Bible?" ani Supt. German Garbosa, hepe ng Victorias Police.

Itinanggi ni Ansuyon ang mga paratang ng pulisya. Aniya, hindi niya alam kung paano napunta ang mga sachet ng shabu sa loob ng Bibliya.

Ayon kay Garbosa, ilang buwan na nilang minamanmanan ang suspek. 

Hinalughog rin ang bahay ni Ansuyon matapos mag-positibo ang operasyon.

"We have been monitoring him for months already and we have received information that his house also serves as a drug den," dagdag ni Garbosa.

Ayon naman kay Ansuyon, nagbebenta lamang siya ng foil sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sinampahan na ng kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng ilegal na droga si Ansuyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.