Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 07:45 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang riding-in-tandem sa Caloocan City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib si Isagani Opiasa, 34 anyos.

Ayon kay Senior Inspector Dennis Odtuhan ng Caloocan police, love triangle ang isa sa kanilang tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Bago nangyari ang insidente, hinatid ng biktima ang isang babaeng nililigawan sa Bagong Silang.

Sakay ng kaniyang motorsiklo, palabas na siya ng compound nang biglang tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin.

Dagdag ni Odtuhan, ang babaeng nililigawan ng biktima ay may asawa at apat na anak. Wala din umanong record si Opiasa sa pulis. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.