Bus na bumabaybay sa STAR Tollway, tumagilid

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 04:12 PM | Updated as of Nov 08 2018 07:35 AM

Agad rumesponde ang awtoridad para malapatan ng lunas ang mga pasaherong nasugatan sa pagtagilid ng bus sa STAR Tollway sa Ibaan, Batangas, Marso 8, 2018. Fay Virrey, ABS-CBN News


IBAAN, Batangas - Isang pampasaherong bus ang aksidenteng tumagilid habang binabaybay ang kahabaan ng STAR Tollway sakop ng bayan ng Ibaan, Huwebes ng hapon.

Ayon sa driver na si Danilo Andres Jr., bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa bus bago mag-1 ng hapon.

Nasa 17 pasahero ang sakay ng bus na patungo sanang Maynila.

Hindi pa mabatid kung ilan sa kanila ang nasugatan sa aksidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.