850 pasahero ng MRT na-unload bago ang alok na libreng sakay sa mga babae

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 07:39 AM | Updated as of Mar 08 2018 07:50 AM

MANILA - Nagkaaberya ang isang tren ng MRT-3, dahilan para ma-unload ang nasa 850 pasahero, ilang oras bago ang alok na libreng sakay ng railway para sa mga babae kasabay ng International Women's Day. 

Tumirik sa Guadalupe station ang southbound na tren dahil sa "signaling error" 5:53 ng umaga, ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr).

Nagkakaroon anila ng signaling error kapag luma na ang mga piyesa ng tren. 

Nakasakay naman sa panibagong tren ang mga na-unload na pasahero matapos ang 6 na minuto, sabi ng DOTr. 

Gayunman, bumaba sa 8 ang tumaktabong tren dahil sa insidente. 

Mayroong libreng sakay ang MRT-3 at LRT-2 para sa mga babae mula 7 a.m. hanggang 9 a.m., at 5 p.m. hanggang 7 p.m. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.