3 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 05:22 AM

Patay ang 3 katao habang sugatan naman ang 3 iba pa matapos mahulog ang kanilang sinasakyang habal-habal sa Lopez, Quezon Martes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Junior Francisco, 48-anyos, Jennifer Collantes, 11-anyos, at Kent Cuaresma, 7-anyos.

Nagpapagaling pa sa ospital sina Marissa Carreon, 16-anyos, Ismael Carreon, 15-anyos, at Jennilyn Collantes, 8-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Lopez police, sakay ng habal-habal na minamaneho ni Francisco ang 5 estudyante.

Papunta ang habal-habal sa Barangay Lalaguna nang mawalan ito ng preno at nahulog sa tulay sa Barangay Villa Espina.

Dead on the spot ang drayber habang naisugod pa sa ospital ang mga estudyante ngunit binawian ng buhay ang 2 sa kanila.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang aksidente. - ulat ni Kate Delovieres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.