Paris Agreement, pasado sa ika-2 pagbasa sa Senado

Miguel Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2017 11:30 PM

MANILA – Naipasa na sa ikalawang pagbasa ang Senate Resoluton 320, o ang resolusyon na nagaapruba sa pagpayag ng bansa sa Paris Agreement on Climate Change, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. 

Dahil dito, aarangkada na ang botohan para sa mismong pag-apruba ng Senado sa kasunduan, sa ikatlong pagbasa ng nasabing resolusyon. Nakatakda ito sa susunod na linggo.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Loren Legarda, ang chair ng committee on climate change, na ikinatuwa niya ang pagsuporta ng kanyang mga kasamahan sa kasunduan.

"I’m very happy that our colleagues unanimously supported the concurrence and ratification of the paris climate agreement today. We hope to pass it on third reading with a two thirds vote of the senate next week,” aniya.

Ayon kay Legarda, naintindihan ng ibang mga senador na walang ikasasama ang kasunduan sa mga Pilipino.

“I told them that if you read the 25 page agreement, there is nothing detrimental to the Philippine government and the Filipino people. On the contrary, we have all to gain. This is really a legacy we have for the future generation," aniya.

Nang tanungin kung may posibilidad na hindi papasa ang naturang treaty, sagot ni Legarda, “imposible” ito.

"We're going to pass it, as long as we have a quorum next week. We're passing it on third reading before adjournment. So that on earth day, we will have a true celebration," sabi ni Legarda.

Nanghingi ang mga senador na mabigyan ng ilang araw upang mapag-aralan ang panukala bago nila ito pagbotohan sa Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.