Patuloy na nakararanas ng malamig na temperatura ang Benguet na nagdudulot sa panandaliang pagkabalot sa yelo ng mga pananim.
Sa video na ibinahagi ni PJ Haight mula sa Brgy. Paoay, Atok, Benguet ay ipinapakita niya ang mga nagyelong tanim na dahon ng carrots.
Samantala, sa isa pang video ay makikitang nagyelo na rib ang hose sa kanilang pataniman.
Paliwanag ni Haight ay natunaw naman ang mga yelo kinalaunan ngayong araw.
Ayon sa datos ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay naitala ang lowest temperature ngayong araw para sa Baguio City na 10.9 °C at 11.8 °C namaan para sa La Trinidad, Benguet.