PatrolPH

Sunog, sumiklab sa ginagawang gusali sa Mandaluyong City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2022 07:04 PM


MAYNILA - Nasunog ang bahagi ng isang ginagawang gusali sa City Homes, Barangay Plainview, Mandaluyong City Lunes ng hapon.

Nagsimula ang sunog na umabot sa unang alarma 4:15 p.m. at naapula ng 4:51 p.m.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa barracks area sa ground floor ng ginagawang gusali.

Agad naman naglabasan at nagtungo sa ligtas na lugar ang mga trabahador.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.