PatrolPH

50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2022 12:50 PM

Nasa 50 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa Barangay Tatalon, Quezon City nitong Linggo, sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa BFP, mabilis na lumaki at kumalat ang apoy dahil malakas ang hangin at dikit-dikit din ang mga bahay na gawa sa light materials.

Sa kabila nito, wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente.

Pansamantalang nananatili sa covered court ang mga naapektuhang pamilya.

Patuloy ang pagpapaalala ng BFP sa publiko na mag-ingat.

Ilan sa mga puwedeng gawin para maiwasan ang sunog ay ang pag-iwas sa octopus connection o overloading ng mga electrical outlet, at pagtiyak na hindi palyado ang mga appliance.

Ipinagdiriwang ngayong Marso ang Fire Prevention Month.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.