SAPUL SA CCTV: Pasahero ng jeep, binaril sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2019 03:54 AM

MAYNILA--Patay ang isang lalaki matapos barilin habang sakay ng jeep sa Pasay City Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jordan Cabarrubias, 35.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 26, Zone 4, isang motorsiklo ang tumabi sa jeep at sinabayan ito ng takbo.

Maya-maya'y pinasok ng salarin ang kaniyang braso at binaril si Cabarrubias.

Watch more in iWant or TFC.tv

Courtesy of Police Senior Master Sgt. Melvin Garcia

Kuwento ng isang testigo, may kasamang babae ang biktima. Tinakbo ng drayber ng jeep sa ospital si Cabarrubias, pero hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa crime scene ang 2 basyo ng bala at isang slug.

Ayon sa Pasay City police, may person of interest na silang tinitingnan sa insidente. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.