Pulis, 2 pa huli sa drug bust sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 10:48 AM | Updated as of Mar 07 2018 08:56 PM

MANILA - Inaresto ang isang baguhang pulis at 2 iba pa sa drug buy-bust sa Nangka, Marikina ngayong Martes. 

Nahulihan ng 5 pakete ng shabu ang 20-anyos na pulis at mga kasamahang edad 25 at 32. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

May ranggong PO1 ang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD). 

Inirekomenda na ni QCPD chief Superintendent Guillermo Eleazar na masibak sa serbisyo ang inarestong kawani. Inalis na rin ito sa puwesto habang hinahanda ang kasong administratibo laban sa kaniya. 

Bukod sa pulis, ni-relieve din sa puwesto ang kaniyang immediate superior na si Senior Inspector Ramil Dugan. 

-- Ulat nina Jekki Pascual at Doland Castro, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.