Mag-iina pinatay umano ng lasing na padre de pamilya

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 08:55 AM

Suspek patay matapos manlaban sa pulis

MANILA - Patay ang 2 bata at kanilang madrasta matapos umanong pagtatagain ng lasing na padre de pamilya sa kanilang bahay sa San Andres, Romblon nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nasaksihan ng isang kapitbahay ang pananaga ng suspek sa 31-anyos na live-in partner at mga anak na edad 9 at 5.

Sa halip na sumuko, tinangka umanong tagain ng padre de pamilya ang 3 pulis kaya binaril nila ito.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang suspek. Wala namang nasaktan sa mga rumespondeng pulis at barangay officials.

Lasing ang padre de pamilya nang mangyari ang insidente. Nakipagtalo umano ito sa kinakasama dahil lagi siyang kinakastigo nito tuwing nakakainom, sabi ng mga imbestigador.

Ulat ni Noel Alamar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.