Lolo, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 05:13 AM

Patay ang isang lolo matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, Negros Occidental Miyerkoles ng hatinggabi.

Kinilala ang biktima na si Edison Hojilla, 80-anyos.

Kuwento ng anak nitong si Helen Bawaan, unang iniligtas ng kaniyang kapatid ang kanilang ina.

Hindi nila namalayan na bumalik pa umano sa loob ng bahay ang kanilang ama upang maisalba ang kanilang mga kagamitan.

Isa ang tahanan ng pamilyang Hojilla sa 4 na bahay ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala nito.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.