Biyahe sa LRT-1 naantala dahil sa tumirik na tren

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 08:27 AM | Updated as of Mar 07 2018 08:28 AM

MANILA - Nagkaaberya ang biyahe ng LRT-1 makaraang tumirik ang isang tren habang papalapit sa Roosevelt station ngayong Miyerkoles. 

Malapit na ang southbound na tren sa dulo ng linya nang bigla itong huminto dahil sa nasirang air compressor, ayon kay LRT-1 head of operations Rod Bolario. 

Wala aniyang pasahero ang tren nang masira. Gayunman, humarang ito sa linya kaya walang ibang tren na makadaan papuntang Roosevelt at Balintawak stations, dahilan para maipon ang nasa 300 pasaherong naghihintay roon. 

Kalaunan, nahila rin ang nagka-aberyang tren. Normal na ang operasyon ng LRT-1 na bihirang magkaaberya, dakong alas-8 ng umaga. 

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.