1 arestado, 1 nakatakas dahil sa pekeng pera sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 04:24 AM

Kalaboso ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kaniyang kasamahan matapos mambiktima gamit ang pekeng pera sa Apalit, Pampanga.

Nabisto ang kanilang modus matapos magreport sa pulisya ang ilang may-ari ng sari-sari store sa Barangay Tabuyoc.

Narekober mula sa sinakyang van ng mga suspek ang mga nabiling diaper, chichirya, kendi at ilang inumin.

Gamit ng mga suspek ang mga P50 na hinihinalang peke.

Payo ng otoridad, maging mapanuri sa pagtanggap ng pera magkano man ang halaga.

Hindi umano klaro ang pagkakaimprenta at pare-pareho ang ginagamit na serial number sa mga pekeng pera.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 166 ng Revised Penal Code ang nahuling suspek habang patuloy ang paghahanap ng pulisya sa kaniyang kasamahan. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.