Diarrhea outbreak idineklara sa 1 barangay sa Samar

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2017 12:06 PM

Nagdeklara ang Department of Health ng diarrhea outbreak sa Barangay Maypange sa Motiong, Samar, Martes, matapos makaranas ng pananakit ng tiyan at pagtatae ang mahigit sa 200 na residente.

Ayon sa mga opisyal, isa sa nakitang posibleng dahilan ng pagkakasakit ay ang pinagmulan ng tubig sa barangay na posible umanong kontaminado.

Tinitingnan din ang posibilidad ng food poisoning dahil nataon kasi na may handaang para sa founding anniversary ng barangay ng magsimula ang mga kaso ng diarrhea sa naturang barangay.