Mag-asawa timbog sa buy-bust sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2021 01:07 AM

Isang mag-asawa ang timbog matapos mahulihan sila ng nasa P300,000 halaga ng ilegal na droga sa Zamboanga City. Leizel Lacastesantos

ZAMBOANGA--Isang mag-asawa ang timbog matapos silang mahulihan ng nasa P300,000 halaga ng ilegal na droga sa Brgy. San Roque sa lungsod na ito Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, isang baril na may mga bala rin ang nakuha sa mag-asawa sa buy-bust operation.

Mga miyembro umano ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mag-asawa.

Nahaharap sila sa kasong illegal possession of firearms at paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Leizel Lacastesantos

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.