MAYNILA—Sinimulan nang ihatid sa ilang priority hospitals sa Metro Manila nitong Biyernes ang bahagi ng unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ng World Health Organization.
Kasama sa mga pagdadalhan ng naturang bakuna ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, Cardinal Santos Medical Center sa San Juan, at Ospital ng Parañaque.
Pasado alas-8 ng gabi umalis sa cold storage facility sa Marikina City ang refrigerated truck na naghatid ng AstraZeneca vaccines sa mga ospital.
Sabado ng umaga, nakatakdang mag-roll out ng AstraZeneca vaccine sa health workers ang Ospital ng Parañaque. Inaasahang dadaluhan ito ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Patuloy naman ang rollout ng mga bakuna ng Sinovac sa mga ospital sa Metro Manila.
Kasama sa mga pinagdalhan nito Biyernes ang Trinity Woman and Child Hospital, De Ocampo Memorial Medical Center, Sta. Teresita General Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila. Ang Perpetual Succor Hospital sa Maynila ay nakatanggap din ng karagdagang bakuna.
May mga inihatid ding Sinovac vaccines sa Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital, Bernardino General Hospital, at karagdagang bakuna sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
AstraZeneca, COVID-19, vaccine, bakuna, AstraZeneca vaccines, COVID-19 vaccines, Metro Manila, Metro Manila hospitals, Sinovac, Sinovac vaccine, Sinovac COVID-19 vaccine, Philippines, Philippines updates, Tagalog news