PatrolPH

6-anyos na lalaki, natagpuang patay at may taga sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2021 02:37 AM

Bangkay na nang matagpuan ang isang 6-anyos na lalaki sa Batulosa river, Davao City Huwebes ng gabi.

Kuwento ng mga magulang sa mga pulis, nagpaalam lang itong maglaro sa ulan malapit sa bahay nila sa Bangkas Heights, Toril pasado alas-4 ng hapon Huwebes, pero naalarma na sila nang hindi na umuwi ang bata.

Alas-6:40 ng gabi na nakita ang bangkay ng bata sa gilid ng ilog.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may mga taga ang bata sa iba’t ibang parte ng katawan na posibleng dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.--Ulat ni Chrislen Bulosan

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.