PatrolPH

Bata nalunod matapos mahulog sa ilog sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 08:23 PM


CATBALOGAN CITY - Nalunod ang isang 12 anyos na batang lalaki matapos siya mahulog sa Antiao River sa Barangay San Andres sa lungsod na ito Huwebes ng hapon.

Ayon sa Catbalogan City Disaster Risk Reduction and Management Office, naliligo sa ulan ang biktima kasama ang isang kaibigan nang mahulog siya sa ilog.

Nagsagawa agad ng search and rescue operation ang mga awtoridad pero nakita na lang ang bata na palutang-lutang sa naturang ilog sa Brgy. Canlapwas nitong Biyernes.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.