Mass vaccination kontra Japanese Encephalitis, isinagawa sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 11:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Nagsagawa ng mass vaccination kontra Japanese Encephalitis ang Department of Health sa San Fernando, Pampanga nitong Martes. 

Ayon kay Theresa Marie Bondoc ng Health Education and Promotion Office, inilunsad ng DOH Region 3 ang programa laban sa naturang sakit sa Colegio de Sebastian sa lungsod. 

Kabilang sa mga nakatanggap ng libreng bakuna ang nasa 500 batang may edad 9-na buwan hanggang 5- taong gulang.

Dagdag pa ni Bondoc na magpapatuloy ang pagbabakuna laban sa Japanese Encephalitis sa buong buwan ng Marso.

Ang Japanese Encephalitis ay sanhi ng isang virus na galing sa lamok.

Magsasagawa din ng libreng pagpapabakuna ang DOH sa Region 1 at 2 at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Isasama naman sa routine vaccination sa mga health center ang anti-Japanese Encephalitis vaccine sa 2020.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.