Lola nagdiwang ng ika-102 kaarawan; 'sikreto' sa mahabang buhay ibinahagi

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 06:05 PM


LAPU-LAPU CITY, Cebu - Nagdiwang ng ika-102 na kaarawan ang isang lola sa lungsod nitong Miyerkoles.

Nakatanggap ng P100,000 mula sa lokal na gobyerno si Maximina Quintenero, na sinabing ang sikreto niya sa mahabang buhay ay pagkain ng gulay at walang karne.

Mayroong 7 anak si Quintenero, 32 apo, at 26 apo sa tuhod, at 4 apo sa sakong. Magsasaka ang yumao niyang asawa.

Lumipat si Quintenero sa Cebu mula Manjuyod, Negros Oriental para makasama ang iba niyang anak matapos pumanaw ang kaniyang asawa.

Hindi na nakalalakad nang maayos si Quintenero dahil sa isang aksidente noong nakaraang taon, pero nakakapagsalita at nakakarinig pa siya nang malinaw.

-- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.