Bangkay ng lalaki, natagpuan sa tabi ng kalsada

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 03:49 PM

Sa gilid ng kalsada ng highway natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima. Mylce Mella, ABS-CBN News

OCAMPO, Camarines Sur – Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa tabi ng Gov. Fuentebella Highway sa Barangay La Purisima, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa hepe ng Ocampo Police na si Captain Allan Lopez, Martes ng gabi nang nakarinig umano ng mga putok ng baril ang mga residente malapit sa lugar. 

Posibleng sa naturang lugar din pinaslang ang lalaking biktima.

May narekober din na bag ang awtoridad na naglalaman ng personal na mga gamit pero walang nakitang identification card sa loob nito.

Nakasuot ang biktima ng stripes na sweatshirt, beige na pantalon at naka-tsinelas.

Nakiusap naman ang Ocampo Municipal Police Station sa sinumang nakakakilala sa biktima na makipag-ugnayan sa mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.