ALAMIN: Mga kasong maaaring isampa laban sa online scammers

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 11:57 AM | Updated as of Mar 06 2019 12:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kamakailan ay naiulat ang umano'y pagnanakaw ng datos mula sa isang kawani ng airline upang gamitin sa pekeng seat sale.

Ayon kay Atty. Claire Castro, maituturing na paglabag sa Anti-Cybercrime Act ang ginawa ng salarin. Pero bukod pa rito ay maaari siyang kasuhan ng estafa sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC).

"Ang misrepresenting or nagpapanggap ka... Papasok 'yan sa estafa o swindling so with that tingin ko puwede siyang makasuhan kasi RPC is different from Cybercrime law," ani Castro sa "Usapang de Campanilla noong Martes. 

Maaaring patawan ng pagkakakulong at multa batay sa perang nakulimbat o tinangkang nakawin ang mga mapapatunayang gumawa ng estafa. 

Prision mayor o anim hanggang 12 taong pagkakakulong naman ang naghihintay sa mga mapapatunayang nanloko sa ilalim ng Cybercrime Law.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.