PatrolPH

2 patay sa buy-bust sa San Jose del Monte

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 04:31 AM | Updated as of Mar 06 2019 07:10 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nanlaban umano sina Jestoni Macandog at Kristoffer Policarpio.

Ginagawa umano ni Macandog na front ang kaniyang motorcycle shop para makabenta ng droga. Nagpaputok umano ng baril ang mga suspek kaya napatay ng mga pulis.

Mula 2018, mahigit 60 na ang napatay sa operasyon kontra droga sa San Jose del Monte City.

Samantala, arestado ang 3 lalaki sa umano'y pot session sa gilid ng kalsada sa Barangay Culiat, Quezon City.

Nakuha sa kanila ang isang sachet ng marijuana. Kabilang sa mga hinuli ay anak ng dating kagawad ng barangay.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.