Sunog sumiklab sa Lucena mall

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 09:00 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumiklab ang sunog sa Pacific Mall sa bayan ng Lucena, Quezon province Martes ng gabi.

Ayon sa Lucena Central Fire Station, nai-report ang sunog pasado alas-6 ng gabi na mabilis namang naapula.

May mga rumespondeng bombero pero pagdating nila ay napatay na ng sprinkler ng mall ang apoy.

Sa video na ipinadala ni Mark Rioflorido sa Radyo Patrol, makikita ang makapal na usok na lumalabas sa loob ng mall.

Mark Rioflorido

Sa report ng Bureau of Fire Protection, may isang na-suffocate sa insidente na madali namang nalapatan ng lunas.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy.

--Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.