Malaking sunog sumiklab sa residential area sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 09:04 PM | Updated as of Mar 07 2018 09:40 PM

Tinupok ng apoy ang may 150 na bahay sa Barangay Botocan, Quezon City Martes ng gabi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinatayang nasa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Ayon kay Senior Supt. Manuel Manuel, fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, nagsimula ang sunog pasado alas-6 ng gabi.

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo at idineklarang under control alas-9:54 ng gabi. 

Naapula ang sunog alas-12:20 Miyerkoles ng madaling-araw.

Iligal na koneksiyon sa kuryente ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog. 

Nasa P2 milyon ang tinatayang halaga ng pinsalang iniwan nito. 

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

- ulat ni Ron Lopez at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.