Barker, patay sa pamamaril sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 05:05 AM

Patay ang isang barker matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa terminal ng traysikel sa San Jose del Monte, Bulacan Lunes ng gabi.

Nagtamo ng 2 tama ng bala sa ulo si Richard Del Mundo, 29-anyos.

Naganap ang pamamaril alas-8:30 p.m. sa Evergreen Road, Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte boundary ng Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa kapatid ng biktima, yayayain na sana niya ang kaniyang kuya na kumain nang biglang dumating ang 2 lalaking sakay ng motorsiklo.

Kasunod nito, pinagbabaril sa mukha ang biktima ng angkas ng motorsiklo.

Nakasuot umano ang mga salarin ng helmet at face mask.

Palaisipan sa pamilya ng biktima ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.