Bagong dating na OFW, patay sa pamamaril sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 04:56 AM | Updated as of Mar 06 2018 06:03 AM

Patay ang isang bagong dating na overseas Filipino worker matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Pasig Lunes ng gabi.

Nagtamo ng 2 tama ng bala si Ricardo Monterroyo, 47-anyos.

Kuwento ng pinsan ng biktima, naglalakad sila sa isang eskinita sa Barangay Caniogan sa tabi ng isang fastfood chain.

Bigla nalang umanong pinagbabaril ng malapitan si Monterroyo ng isang lalaki na naka-sumbrero alas-8:20 p.m.

Ayon kay PO2 Danilo Damasco ng Pasig police, inaalam pa nila ang motibo sa pamamaslang.

Wala pa kasing 4 na oras pagkatapos lumapag ng biktima sa Maynila mula Saudi Arabia. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.